No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: National Disaster Resilience Month, ipinagdiwang sa Palawan

National Disaster Resilience Month, ipinagdiwang sa Palawan

Binasbasan nina Rev. Fr. Ralph John Javarez ang mga response vehicle at equipment na nakiisa sa 3rd Provincial Disaster Risk Reduction and Management caravan nitong Hulyo 5. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Ipinagdiwang sa lalawigan ang National Disaster Resilience Month sa pamamagitan ng 3rd Provincial Disaster Risk Reduction and Management Caravan na isinagawa nitong Hulyo 5, sa pangunguna ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)

Ito ay nilahukan ng iba't-ibang mga ahensya na may mandato at nakatutok sa pagresponde sa panahon ng kalamidad kabilang ang Palawan Rescue 165, Northern at Southern Municipal DRRMOs gayundin. Nakiisa rin dito ang Puerto Princesa City DRRMO.

Nagsimula ang caravan sa may bahagi ng Go Hotel sa Bgy. San Manuel hanggang sa Puerto Princesa City Baywalk kung saan ay ipinarada dito ang mga rescue vehicle at equipment ng bawat ahensya na kasapi ng PDRRMC at CDRRMC.

Sinundan ito ng maikling programa kung saan ay pinasalamatan ni PDRRM Officer Jeremias Y. Alili ang lahat ng mga nakiisa sa nasabing aktibidad dahil matapos ang dalawang taong paghinto ng gawain dulot ng pandemya ng COVID-19, ngayon lamang ito muling naisakatuparan.

Pinagkakaloob naman ng Certificate of Appreciation ng PDRMMO ang lahat ng mga ahensyang dumalo at binasbasan din ang lahat ng mga response vehicle at equipment na sumama sa caravan sa pangunguna nina Rev. Fr. Ralph John Javarez at Rev. Fr. Glenn B. Parco.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan". (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch