No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Adbokasiya kontra climate change, disaster, pinalalakas sa Kidapawan City

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Pinalalakas dito sa lungsod ang adbokasiya may kinalaman sa paglaban sa climate change at disaster upang ihanda ang mamamayan sa masamang epekto ng mga ito.

Isa sa mga hakbang ng pamahalaang panlungsod, lalo na ngayong Disaster Resilience Month, ay ang pagpapatupad ng mga aktibidad upang maisulong ang nabanggit na adbokasiya.

Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang inventory assessment ng Riparian Bamboo Growing Project, Orientation on Global Parametrics, Protection Issues Training Rollout, at Training of Trainers on Protection Issues with Oxfam.

Magkakaroon din ng memorandum of understanding signing katuwang ang Oxfam para sa pagtatatag ng Technical Working Group para sa Scaling Up Pre-emptive Action II projects.

Maliban sa mga ito, sinabi ni Psalmer Bernalte, city disaster risk reduction and management officer, na maglalagay din ng self-developed Early Warning System-Public Address System ang lokal na pamahalaan. Ito ay laan para sa mga naninirahan malapit sa ilog.

Samantala, binigyang-diin ni Bernalte ang kahalagahan ng pagpapalakas ng adbokasiya lalo na sa disaster risk prevention upang maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian o posibleng pagkalagas ng buhay sa panahon ng sakuna. (With reports from CIO-Kidapawan)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch