No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA: Bawal bentahan ng sigarilyo at vape ang mga menor de edad

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga tindahan na bawal bentahan ng sigarilyo at e-cigarette o vape ang mga menor de edad.

Ayon sa MMDA, ang pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad ay base sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003.

Ang sinumang mahuhuling nagtitinda ng sigarilyo sa mga menor de edad ay mahaharap sa karampatang parusa.

Paalala rin ng ahensya na palagiang protektahan ang kinabukasan ng mga kabataan.

Huwag pagbebentahan, magpapadala, o magpapabili ng sigarilyo sa mga kabataan, dagdag pa ng ahensiya. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch