No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P11.5M Super Health Center itatayo sa Libungan

LIBUNGAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Abot sa P11.5 milyong halaga na Super Health Center ang itatayo sa bayan ng Libungan sa tulong ng Department of Health o DOH.

Sa naganap na groundbreaking at capsule laying ceremony nitong araw ng Lunes, pinasalamatan ni Governor Emmylou Mendoza ang DOH sa mga programa at proyektong pangkalusugan na ipinatutupad sa lalawigan.

Nagpasalamat din ang gobernadora sa pamilya ni Carlos Ramirez na siyang nagdonate ng lupang pagtatayuan ng naturang pasilidad.

Nabatid na isa sa mga tinututukan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ay ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa mamamayan.

Ang Super Health Center ay isa sa mga programang isinusulong ng DOH upang matugunan ang kakulangan sa medikal na pasilidad lalo na sa malalayong komunidad. Sa pamamagitan nito ay naibibigay ang mga serbisyong medikal sa lokal na lebel upang hindi na pumunta pa sa malalaking ospital ang mga residente sa panahon ng emerhensiya.

Maliban sa bayan ng Libungan, kabilang din sa mga benepisyaryo ng nabanggit na proyekto ang Arakan, Banisilan, at Kidapawan City.

Samantala, kasabay ng nasabing aktibidad ay itinurnover din ng DOH sa lokal na pamahalaan ng Libungan ang isang patient transport vehicle na nagkakahalaga ng P2 milyon. (With reports from PGO-IDCD)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch