
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ngayong panahon ng tag-ulan, muling nagbigay paalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.
Karaniwang madulas ang kalsada kapag umuulan kaya't importante ang maingat at responsableng pagmamaneho.
Paalala ng MMDA, kapag nakita ang "Slippery Road" sign, magdahan-dahan sa pagmamaneho dahil madulas ang daanan.
Tandaan, sa pagiging alerto at pagsunod sa batas trapiko, maiiwasan ang aksidente. (MMDA/PIA-NCR)