No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BARMM at ILO, sanib-puwersa sa pagtugon sa child labor

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Nakipag-sanib puwersa ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa International Labor Organization (ILO) upang tugunan ang problema ng child labor sa rehiyon.

Sa pinagsamang pahayag kamakailan, sinabi ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) at ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) na ang pagtutulungan ay naglalayong itaas ang kamalayan sa child labor at dagdagan ang partisipasyon ng pamahalaan at komunidad upang isulong ang adbokasiya na tuluyang wakasan ang nasabing isyu.

Dagdag pa rito, sinabi ng BYC at MOLE na hihikayatin nila ang 80 na miyembro ng Bangsamoro Transition Authority upang bumuo ng dagdag na batas at sistema na magtataguyod at magpoprotekta sa karapatan ng mga bata sa rehiyon.

Samantala, noong 2020 ay pumangatlo ang rehiyon ng BARMM pagdating sa child labor predicament na may humigit-kumulang 54,200 child laborers, kumpara sa Northen Mindanao at Bicol region na mayroong 78,400 at 55,100 ayon sa pagkakabanggit.

Sa kabilang banda, siniguro naman ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim na ang pamahalaan ng BARMM ang mangunguna sa kampanya kontra child labor. (With reports from BIO-BARMM).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch