
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang suporta sa mga nagnenegosyo sa Marikina, tiniyak ni Mayor Marcy Teodoro na maisasabatas ang pinakabagong business tax amnesty ordinance ng lungsod.
Nilagdaan ni Mayor Marcy ang Ordinansa Bilang 64, s. 2022 o ang “Ordinance Granting Amnesty on Surcharges and Interests of Delinquent Business Taxpayers in the City of Marikina until December 31, 2022.”
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang naturang ordinansa ay nagbibigay amnestiya upang wala nang multa o interes ang mga nagnenegosyo sa mga hindi nabayarang business tax hanggang Disyembre 31, 2022.
Batid ni Mayor Marcy ang mga pagsubok ngayong bumabangon pa lamang ang mga negosyo sa patuloy na pandemya, kaya siya mismo ang humiling sa konseho na palawigin pa ang naunang business tax amnesty sa lungsod. (Marikina City/PIA-NCR)