No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

1K ina nakabahagi sa Taguig Nutrition Summit

Hinikayat nitaguig City Mayor Lani Cayetano ang mga dumalo sa Nutrition Summit na sikaping maghanda ng masustansiyang pagkain para sa kanilang mga anak. (Photo by Taguig City PIO)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nakiisa ang may 1,000 ina at mga ilaw ng tahanan sa ginanap na Nutrition Summit ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pagdiriwang sa ika-48 taon ng Buwan ng Nutrisyon.

Sa pangunguna ng Taguig City Nutrition Office, nagsagawa seminar kung saan itinuro sa mga ina ang wastong pamamaraan ng paghanda ng masustansiyang pagkain para sa kanilang mga anak.

Ibinahagi din ang iba't ibang programang pang-nutrisyon ng lokal na pamahalaan sa mga dumalo sa aktibidad na ginanap sa Lakeshore Tent, Barangay Lower Bicutan Huwebes, Hulyo 21, 2022.

Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa tamang nutrisyon at palarong pangnutrisyon na pinangunahan ng mga Barangay Nutrition Scholars.

Namahagi din ang pamahalaan ng 3-in-1 Baby Bag para sa mga nagpapsusong ina, Micronutrient Supplementation powder supplement, Iodized Salt para sa food fortification.

Nagkaroon din ng promosyon ng Urban Gardening kung saan namigay ng mga buto ng gulay na maaaring itanim, nutrition counseling, nutrition assessment, at pamamahagi ng mga Information Education Communication na materyales ukol sa nutrisyon. (Taguig PIO/PIA-NCR)


About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch