No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Central Office personnel ng DepEd, sumailalim sa Basic Life Support training

LUNGSOD QUEZON, (PIA)-- Nagsagawa kahapon, Hulyo 21, 2022 ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pangunguna ng Bureau of Learner Support Services School Health Division (BLSS-SHD), ng Basic Life Support/Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) training para sa Central Office personnel.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang pagsuporta sa Nationwide Cardiopulmonary Resuscitation Campaign 2022.

Ayon sa DepEd, layon nito na paigtingin ang kamalayan at kasanayan ng personnel tungkol sa kahalagahan ng hands-only CPR bilang mahalagang basic life skill.

Katuwang sa kampanya sa pagtataguyod ng life support skills ang Department of Health, Philippine Red Cross, Philippine Heart Association, American Heart Association, at Philippine College of Emergency Medicine.

Ang Nationwide CPR Awareness Campaign ay isinasagawa tuwing Hulyo ng bawat taon sa pagdiriwang ng pagsasabatas ng Republic Act 10871 o ang Basic Life Support Training in Schools Act para sa mga mag-aaral at personnel ng basic education. (DepEd/PIA-NCR)

About the Author

Gelaine Louise Gutierrez

Information Officer II

NCR

Feedback / Comment

Get in touch