LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Nakatanggap ng iba't-ibang klaseng Negosyo Package ang mga benepisyaryo ng EnTSUPERneur Program sa National Capital Region (NCR), alinsunod sa layunin ng programa na magbigay ng package of assistance sa mga apektadong operator, tsuper, at iba pang allied workers ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), kahapon,Hulyo 26, 2022 sa Quezon Memorial Circle Covered Court, Quezon City.
Kabilang sa mga Negosyo Package na ibinigay ay ang mga sumusunod:
1. Bigasan Package (24 sacks)
2. Frozen Goods with Freezer Package
3. Sari-Sari Store Package
4. Ukay-Ukay Package
5. Tailoring Package
6. Food Cart Package
7. Tire Package
8. Oil Retailing Package
9. Carinderia Package
10. PUJ Battery Package
Ang EnTSUPERneur Program ay kasalukuyung ipinatutupad katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB, at Office of Transportation Cooperatives (OTC). Ngayong taon, mayroong karagdagang Php 450 Milyong pondo sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA) para sa programa upang magbigay ng package of assistance sa mahigit 14,000 pang benepisyaryo.
Kabilang sa dumalo sa aktibidad sina LTFRB Chairperson Cheloy Velicaria-Garafil at DOLE Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Ma. Karina Perida-Trayvilla, at DOLE NCR Regional