No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mapa ng mga wika sa Pilipinas, online na

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) nitong Biyernes, July 29, na makikita na sa online ang detalyadong "Atlas" o Mapa ng mga Wika ng Pilipinas, sa isinagawang press conference sa Philippine Information Agency.

Matatagpuan ang mapa sa official website ng Komisyon (kwf.gov.ph) na naglalaman ng mas malalim na impormasyon tungkol sa bawat katutubong wika, katulad na lamang ng pangkat na gumagamit ng wika, sigla ng wika (kung ligtas o nanganganib na mawala), populasyon ng gumagamit nito, at sistema ng pagsulat.

Ayon sa Tagapangulo ng KWF na si Arthur Casanova, layon nito ang pangangalaga ng mga katutubong wika sa pamamagitan ng malawakang akses nito ng mas maraming Pilipino.

Diin ni Casanova, mahalagang pangalagaan ang mga katutubong wika, na base sa talaan ng komisyon, ang ilan dito’y nanganganib ng maglaho.

Sa ngayon, 29 sa 130 wika sa buong bansa na ang naitala sa naturang mapa. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch