No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DepEd inalala ang mga ambag ni FVR sa larangan ng edukasyon

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Kasabay nito, kanilang pinapurihan ang mga nagawa ng dating Pangulo at naiambag lalo na sa larangan ng edukasyon.

Magugunitang sa kanyang termino, pinirmahan niya ang iba't ibang panukalang batas sa edukasyon bilang batas tulad ng Science and Technology Scholarship Law (RA 7687), Dual Training System Act of 1995 (RA 7686), ang CHED Law (RA 7722), ang TESDA Act (RA 7796), gayundin ang pambansang sistema ng kahusayan (system of excellence) para sa edukasyon ng guro sa ilalim ng RA 7784, at iba pa.

Sinabi rin ng DepEd na ang nawalan ang bansa ng isang tagapagtaguyod ng edukasyon na naniniwala na "habang ang pag-unlad sa materyal na mga tuntunin ay kinakailangan at kapaki-pakinabang, ang pag-unlad na ito ay hindi makakamit kung walang katumbas na pagsisikap na pataasin ang intelektwal na kakayahan at moral na kakayahan ng mga tao. Ito ang tungkulin ng edukasyon at ito ay karapatan ng bawat mamamayan na tanggapin, na responsibilidad namang maibigay ng pamahalaan."

Ang mga pamanang ito ng dating Pangulo ay patuloy na lilinangin at pakikinabangan ng mga dadarating pang henerasyon.

Ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng mga tanggapan ng Kagawaran ng Edukasyon at mga paaralan ay dapat na itinaas ng kalahating palo hanggang matapos ang libing. (PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch