Photo by City Public Information Office
GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng General Santos City ang Blaan Livelihood Center, kung saan naipapakita ng komunidad ng Blaan ang kanilang kultura sa pamamagitan ng kanilang mga produkto.
Isinagawa ang ribbon-cutting ceremony kamakailan kasabay ng padiriwang ng ika-walong Blaan Day na may temang “Breakthrough to Excellence: United Blaan People Moving Forward to Progress.”
Ang seremonya ay pinasinayaan nina City Mayor Lorelie G. Pacquiao, General Santos City Lone District Representative Atty. Loreto B. Acharon, at mga konsehal na sina Dr. Jose Orlando “Odjok” Acharon, Richard Atendido, Elizabeth Bagonoc, at Virginia Llido, kasama si Indigenous People Mandatory Representative Lucio Cawayan.
Matatagpuan ang nasabing livelihood center sa Kasfala Hall sa City Government Compound, sa tabi ng opisina ni Rep. Acharon.
Ani Mayor Pacquiao sa kanyang talumpati, sinusuportahan nito ang Indigenous Peoples o IP communities at pinangako nitong mas tututukan pa ng lokal na pamahalaan ang mga programa at proyektong makapagpapabuti sa kapakanan ng mga Blaan, Muslim, at iba pang mga IPs naninirahan sa lungsod. (Harlem Jude P. Ferolino/PIA-SarGen)