No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DRRMazing Race ginawa sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month sa probinsya ng Agusan del Norte

LUNGSOD NG BUTUAN -- Bumida sa pagbubukas ng National Disaster Resilience Month sa Agusan del Norte ang mga kakaibang paraan upang maibahagi ang iba’t-ibang approaches sa pag-implementa ng mga DRRM programs sa komunidad, kung saan nakatutok ito sa apat na DRRM thematic areas.

Isinagawa ang DRRMazing Race na nahati sa apat na grupo, ang disaster preparedness, disaster prevention and mitigation, disaster response at disaster rehabilitation and recovery, kung saan sila ay magpapakita ng kani-kanilang kaalaman na nakabase sa kanilang thematic areas.

Ayon kay Jorge Vincent Pagaran, hepe ng training division ng PDRRM Office, ito ay isang kakaibang paraan ng pagtuklas at pagbbaahagi ng kaaalaman ng mga myembro ng council.

“This is a new approach sa pag-impliment sa ating DRRM dahil sa ating LDRM plan we are using thematic kaya dapat ang pag-impliment ng mga programs and plans thematic din,” ayon ni Pagaran.

Masaya rin si Jover Manliguez, presidente ng League of Ngusan del norte DRRMOs na nabigyan silang mga DRRM officers na muling maipakita ang kanilang kakayahan kasama ang ibang mga myembro ng PDRRM Council lalo na ang kahandaan at sa panahon na may disaster, dahil unti-unting nagbabalik na sa normal ang buhay pagkatapos ng dalawang taong dahil sa COVID-19. Hinikayat din nya ang kapwa DRRMOs na magkaisa.

“We are happy that after two years we are gathered here with diffirent LGUs to promote and strengthen our camaraderie between all and among LGUs of Agusan del Norte,” dagdag ni Manliguez.

Biningyan din ng malaking importansya ni Governor Maria Angelica Rosedell M. Amante ang kahalagana ng pagiging handa, kinilala din nya ang kahalagahan ng mga youth responders ng probinsya, ang mga Young ADNERTs.

“The best preparation is any disaster is investing in trainings,” giit niya. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)

About the Author

Nora Lanuza

Approver

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch