No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NANIE Special Economic Zone sa Agusan del Norte, sisimulan nang e-develop sa tulong ng PEZA

LUNGSOD NG BUTUAN -- Maisasakatuparan na ang mahigit dalawampung taong hinihintay ng mga Agusanons, dahil sisimulan na ang  pag-develop ng Nasipit Agusan del Norte Industrial Estate o NANIE, ang 62-hectare special economic zone sa lungsod ng Nasipit, Agusan del Norte. 

Sa ginawang signing of the Deed of Grant of Usufructuary Right, hinikayat ni Philippine Economic Zone Authority o PEZA Director General Charito B. Plaza ang mga residente na magkaisa upang makaingganyo ng maraming investors.

Ayon kay Brigadier General (BGen) Plaza, malaking tulong kasi ang mga ito upang mas lalo pang umunlad ang ekonomiya sa probinsya.

“Dahil sa inyong pagkakaisa, umaasa kami sa PEZA na magtulungan tayo para mapadali ang mga locators,” tugon ni Plaza.

Nananawagan din si BGen. Plaza sa mga local government units na mag-identify  ng kani-kanilang potential economic zones pero hwag kalimutang  protektahan ang ating kalikasan. “Ang aking adbokasiya ay ating imbitahin ang lahat ng local government unit, because every LGU has a potential economic zone,” dagdag niya.

Ayon kay Vice Governor Ramon A.G. Bungabong, upang mas maisulong pa ang development ng NANIE, nagpasa ng mga resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Agusan del Norte, at sa tulong na din ng mga line agencies, local government units at ang PEZA na maipagpatuloy na maisakatuparan ang mga ito.

“We have passed several resolutions to boost the NANIE program. The latest of which is sanggunian resolution no. 515-2021,” tugon ni Bungabong.

Hinikayat din ni Nasipit Mayor Enrico Corvera na magtulungan upang maging progresibo ang Nasipit at ang probinsya ng Agusan del Norte.

“Ito na siguro ang simula para sa ating probinsya at sa Nasipit na maging progresibo dahil masisimulan na natin ang ating pinapangarap na industriyalisasyon sa ating kumunidad," ayon sa alkalde. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)

About the Author

Nora Lanuza

Approver

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch