No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BFP NCR, kampeon sa ginanap na 2022 National Fire Olympics

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Itinanghal na kampeon ang Bureau of Fire Protction-National Capital Region (BFP-NCR) sa 2022 National Fire Olympics na ginanap sa Lungsod Davao.

Sumabak ang mga kalalakihang manlalaro ng BFP NCR para sa All Male Search and Rescue Attack at tinangghal bilang kampeon.

Nakuha naman ng BFP NCR ang ikatlong pwesto nang lumaban sa All Female Fire Ground Search and Rescue.

Muli na namang nagwagayway ng kampeonato ang BFP NCR nang ipanalo ang Combined Ground Search and Rescue Attack.

Sa ikalawang araw, pinaindak ang lahat sa iba’t ibang saliw ng musika ng mga grupo ng bumberong mang-aawit at manunugtog para sa MUSIKLABAN 2022.

Kinilala ang ginintuang tinig ng mga mang-aawit ng Panther Echo Band na kumatawan sa BFP NCR at iniuwi ang Best in Vocals Award. (BFP NCR/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch