No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: US Embassy Civil Affairs Team, nagkaloob ng medical supplies sa Palawan

US Embassy Civil Affairs Team, nagkaloob ng medical supplies sa Palawan

Ang ilang medical supplies na ipinagkaloob ng US Embassy Civil Affairs Team katuwang ang US Navy Ship Mercy para sa lalawigan ng Palawan. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagkaloob ng medical supplies para sa Palawan ang US Embassy Civil Affairs Team katuwang ang US Navy Ship Mercy nitong Agosto 12, 2022.

Ang pagkakaloob ng nasabing mga kagamitan ay sa pamamagitan ng isinagawang Humanitarian Aid and Medical Supply Donation na may temang ‘Kapit bisig patungo sa isang layunin’ na ginanap sa barko ng Philippine Coast Guard na BRP Teresa Magbanua na nakadaong sa pier ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang turn-over ceremony ay pinangunahan ni US Embassy CAT Team Leader Cpt. Arthur Kim.

Kabilang sa mga donasyong ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Palawan ay ang sumusunod: ICU beds, tents for disaster response, vaccine storage refrigerators, sanitation sprays, isolation gowns, face masks, alcohol, vitamins at iba pang medical supplies.

Malugod namang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pangunguna ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates ang nasabing donasyon. Lubos din ang naging pasasalamat ng Punong Ehekutibo sa mga ipinagkaloob na donasyon para sa Palawan at siniguro nito na ang nasabing mga kagamitan ay makararating sa mga mamamayang nangangailangan nito.

Kasama ni Gov. Socrates sa pagtanggap ng mga donasyon sina Palawan 1st District Board Member Juan Antonio E. Alvarez, Provincial Legal Officer Atty. Joshua Bolusa, PDRRM Officer Jeremias Y. Alili at Kalayaan Municipal Assessor Allan B. Arinos.

Ayon sa Provincial Information Office (PIO) ito na ang ikalimang taon na nagkakaloob ng tulong at suporta ang Estados Unidos sa mga Palaweño partikular sa pamamagitan ng Medical Outreach Program at Disaster Preparedness at ilang beses na rin na nakapagpadala ng tulong ang US Embassy lalo na sa panahon ng pandemya ng COVID-19. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch