LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa kasalukuyang dinaranas na pandemya dahil sa COVID-19, marami ang nakararanas stress, anxiety, takot, kalungkutan.
Ang mental health disorders tulad nito ay maaaring lumala kung hindi maayos na matutugunan.
Dahil dito, isa ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na agad tumugon at nagtatag ng community-based mental health and wellness program.
Sa ilalim ng programa, pwedeng i-avail ang treatment, therapy, at free psychiatric medicine para sa:
- Depression and Suicide Prevention and Crisis Intervention
- Addiction (Drugs/Alcohol, Smoking, Gambling/Gadgets)
- Psychological Trauma (VAWC)
- Anger Management
- Psychosis
- Anxiety
Para sa mga nangangailangan ng tulong, o may katanungan tungkol sa mental health, may problema sa pamilya, o nakararanas ng anxiety o depression, huwag mag-atubiling pumunta sa Poblacion Health Center kada Lunes, Miyerkules at Biyernes , mula als 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Para sa mga katanungan, mag-message/Viber lang sa 0977 272 4402 at hanapin si Dr. Nicanor "Okidok" Echavez.
Ayon kay Dr. Echavez, walang dapat ikahiya sa paghingi ng tulong. Tiniyak din nito mananatiling confidential ang bawat ibabahaging impormasyon, alinsunod sa Mental Health Law (RA 11036) at Muntinlupa City Ordinance 19-031. (Muntinlupa PIO/PIA-NCR)