No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cotabato City Health Office nasa pangangasiwa na ng MOH-BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Isinailalim na sa pangangasiwa ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang City Health Office (CHO) dito sa lungsod.

Ito ay matapos isagawa kamakailan ang turnover at acceptance ceremony na pinangunahan nina MOH Officer-in-charge minister Dr. Zul Qarneyn Abas at City Health Officer II Dr. Marlow Niña.

Sinabi ni Abas na walang malaking pagbabago sa tanggapan dahil ito ay nasa ilalim pa rin ng operasyon ng pamahalaang panlungsod.

Dagdag pa rito, nagpahayag din ng kumpiyansa si Abas sa kakayahan at kapasidad ng mga city health officer, doctor, at program coordinator ng tanggapan.

Kabilang din sa itinurnover ang kopya ng Local Investment Plan for Health at Annual Operation Plan ng CHO. Susuriin din ito ng ministry upang malaman kung ano ang mga dapat na ibigay na tulong sa CHO.

Sa kasalukuyan, ang CHO ay mayroong one-stop-shop na nagbibigay ng iba’t-ibang mga serbisyong medikal sa mga residente ng lungsod at kalapit na lugar. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch