No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsulong sa karapatan ng mga batang babae sa Cotabato province, pinaigting

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Pinaigting dito sa lalawigan ang pagsusulong sa karapatan ng mga batang babae lalo na yaong mga residente sa mga malalayo at mahihirap na komunidad.

Ito ay sa pamamagitan ng Girls as Agents of Change towards Gender Equality in Indigenous and Disadvantaged Communities in Cotabato Province (Project ENGAGE) ng Save the Children Philippines na inilunsad sa probinsya kamakailan.

Layon ng Project ENGAGE na mabigyan ng atensyon ang mga batang babae sa pamamagitan ng mga programa at kampanya na makapagbibigay oportunidad sa mga ito na mas maunawaan ang kanilang mga karapatan bilang kabataan.

Ayon kay Project ENGAGE Focal Person Joanna Marie Condat, kabilang sa nakapaloob sa nasabing proyekto ang serye ng capability building activities para sa life skills, gender equality, peer support, psychological first aid at marami pang iba na pagdadaanan ng mga benepisyaryo.

Dagdag pa niya, magkakaroon ng “girl safe spaces” ang mga batang kalahok sa programa kung saan malaya silang makapagpapahayag ng kanilang mga saloobin.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou Mendoza, sinabi ni dating board member Loreto Cabaya na handa ang pamahalaang panlalawigan na makipagtulungan para sa ikatatagumpay ng proyekto. (With reports from IDCD-PGO)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch