No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

33 ruta ng bus, bubuksan ng LTFRB bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 33 ruta ng Public Utility Bus (PUB) simula ngayong Huwebes, Agosto 18, 2022, bilang bahagi ng Oplan Balik-Eskwela.

Base sa Memorandum Circular No. 2022-067 na inilabas kahapon, Agosto 17, 2022, tanging mga PUB na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o may Application for Extension of Validity ang maaaring bumiyahe.

Ayon sa LTFRB, bukas ang kanilang Central Office para sa mga mag-a-apply ng Special Permit hanggang Linggo, isang araw bago ang pasukan.

Prayoridad mag-operate ang mga dating bus operators sa mga pre-pandemic routes kung hindi sila nag-o-operate ngayon sa mga rutang binuksan noong unang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) noong 2020.

Para naman sa mga City PUB operators ng GCQ routes na na-dissolve at naibalik sa pre-pandmic route kahit operator na nakalista sa Annex B, maaari silang mag-operate sa naturang ruta.

Posibleng magbukas pa ng ruta ang ahensya base sa Route Rationalization Study, at maaaring madagdagan pa ang units sa mga binuksang ruta depende sa passenger demand.

Pinapaalala ng LTFRB na maaaring mabago pa ang mga rutang binuksan base sa resulta ng Route Rationalization Study sa Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Project (MUCEP) Area.

Bukod diyan, pinapaalala rin ng ahensya sa mga driver at operator ng PUB na sumunod sa mga alituntunin ng LTFRB na nakasaad sa kanilang mga Certificate of Public Convenience (CPC) at ibibigay na Special Permit (SP).

Ang sinumang lalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa tulad ng pagkansela ng kanilang CPC o SP. (LTFRB/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch