Sinabi rin niya na magsisilbi siya bilang matibay na tulay sa pagitan ng mga tao patungo kay Presidente Bongbong Marcos.
Dagdag pa nito hindi lamang lupa para sa mga magsasaka ang ibibigay ng DAR kundi sasamahan ito ng iba pang serbisyo tulad ng pamimigay ng hayop na aalagaan upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga magsasaka.
“’Wag tayong masihayan na lupa lang ang binibigay natin sa kanila [magsasaka], ang mga magsasaka ay hindi lamang sa pagsasaka, sa pagbubungkal ng lupa sila mabubuhay kung sila ay aasa lang sa pagtatanim kulang po, hindi sapat ang kita ng ating mga magsasaka, kaya po kinakailangan tumulong din po ang Department of Agriculture, ganun din po ang Department of Agrarian Reform at bigyan natin sila ng hayop na aalagaan nila, ng baka o kalabaw at iba’t-ibang hayop upang magkaroon ng karagdagang kita ang ating mga magsasaka. Kapag ang mga bagay na ito ay napagsama-sama natin ay gagaan ang buhay ng mga magsasaka,” ang pahayag ng Kalihim.
Nakatakda ring magkaroon ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) distribution sa lungsod na gaganapin sa Mendoza Park. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)