No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

White Cane Safety Day, ipinagdiwang sa Taguig

Taguig City Mayor Lani Cayetano
Ipinakikita ng isang PWD kung paano gamitin ang 'white cane' upang makatulong sa malaya at ligtas na pagkilos ng isang may kapansanan sa paningin.

LUNGSOD QUEZON, (PIA)-- Ipinagdiwang ng Lungsod ng Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano ang White Cane Safety Day na ginanap sa F1 Hotel Manila, BGC Miyerkules, Agosto 17.

Ang White Cane Safety Day ay ipinagdiriwang tuwing Agosoto at naglalayong itaas ang antas ng kamalayan sap ag gamit ng ‘white cane’ o tungkod bilang ‘assistive device’ ng mga taong may kapansanan sa paningin upang  malaya at ligtas silang makakilos.

Kasama ang Taguig City Persons with Disability Federation, Taguig Children with Disability Group, at mga pribadong organisasyon na Save the Children, Future Vision at Helping Hands, tinalakay sa selebrasyon ang karapatan ng mga taong may kapansanan.

Tinuruan din ang mga indibidwal at kabataang may visual impairment kung paano kumain sa restaurant at paano makakalakad sa mga eskinita gamit ang “cane” o “walking stick”.

Binigyang diin ni Mayor Lani na ang Lungsod ng Taguig ay kaisa sa pagsulong ng mga programang nakatuon at nagbibigay halaga sa mga taong may kapansanan.

“I am happy to support this effort because we have a common goal for our Persons with Disabilities (PWDs), particularly Persons with Visual Impairment. The City of Taguig is a Loving and Caring City, especially to our PWDs,” pahayag ng punong lungsod.

Isa ang Lungsod ng Taguig sa mga naunang lokal na pamahalaan na nagtayo ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) para magbigay ng serbisyo sa mga indibidwal na may kapansanan.

Sa kasalukuyan, nakapagtayo na rin ang lungsod ng Sentro Kalinga Center at malapit na ring matapos ang Disability Resource and Development Center sa Barangay North Signal, ang kauna unahang Persons with Disabilities Center sa bansa.

Dagdag pa rito, ang mga rehistradong PWDs ng lungsod ay nakakatanggap ng mga benepisyo tulad ng birthday cash gifts, allowances to officers, at iba pang assistive devices o prosthetics.

Ang lahat ng government services at agencies ng lungsod ay mayroon ding PWD lanes at ang mga lingkod-bayan ng Taguig ay sumasailalim sa sign language training.

Naniniwala ang Taguig sa pantay na oportunidad para sa lahat kung kaya’t sa Taguig City Integrated Survey System ay mayroong deaf encoders at siniguro ng lunsgod na maayos at komportable ang kanilang work environment.

Binigyang diin ni Mayor Lani na bilang isang caring at loving community, patuloy ang Taguig sa paggawa ng mga programang magbibigay ng proteksyon at buong pusong serbisyo sa mga Taguigeñong may kapansanan. (Taguig PIO/PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch