No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

QC LGU, nagtalaga ng karagdagang tauhan para sa seguridad sa DSWD Batasan

(Kuha mula sa Quezon City Government Facebook)


LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nagtalaga ng karagdagang security personnel ang Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina at Task Force on Transport and Traffic Management ng Quezon City Government para sa kaayusan at seguridad sa kahabaan ng Batasan Road nitong Sabado.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga benepisyaryo at aplikante sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office sa Batasan Road.

Sa isang Facebook post, ipinakita ng QC LGU ang pagdagsa ng mga magulang at estudyante sa unang araw ng pamamahagi ng educational assistance ng DSWD.

Tumulong din ang mga tauhan ng QCPD at National Capital Region Police Office sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar, dagdag pa nito.

Pinaalalahanan din ang mga tao na nagpunta sa lugar na sundin ang mga health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang DSWD sa agarang pagresponde ng lokal na pamahalaan. (PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch