No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong PCL-Palawan Chapter President, nanumpa na bilang miyembro ng provincial board

Bagong PCL-Palawan Chapter President, nanumpa na bilang miyembro ng provincial board

Si Philippine Councilors League (PCL)-Palawan Chapter President elect Al Shariff W. Ibba (gitna, 5-R) kasama si Vice Governor Leoncio N. Ola (gitna, kaliwa ni Ibba) at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan matapos ang panunumpa nito bilang ex-officio member ng nasabing konseho. (larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) – Pormal nang nanumpa bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan si Philippine Councilors League (PCL)-Palawan Chapter President elect Al Shariff W. Ibba.

Nanumpa ito sa harap ni Vice Governor Leoncio N. Ola, kasabay ng 7th Regular Session ng 44th Sangguniang Panlalawigan ng Palawan nitong Agosto 23, 2022.

Si Ibba ay anak ni Bataraza Mayor Abraham ‘Abe’ Ibba at bago ito nahalal bilang PCL-Palawan Chapter President, si Ibba ay bago ring miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bataraza.

Siya rin ang tumayong Interim Provincial Federation President ng PCL-Palawan simula noong Hulyo 12, 2022, matapos ang termino ni dating PCL-Palawan Chapter President Clarito ‘Prince’ Demaala IV noong Hunyo 30, 2022.

Noong Agosto 16, 2022 isinagawa ang 11th Provincial Election 

ng PCL-Palawan Chapter sa Lungsod ng Puerto Princesa na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan mula sa lahat ng munisipyo sa lalawigan ng Palawan kung saan nahalal si Ibba.

Ang iba pang nahalal na opisyales ng PCL-Palawan ay sina Christian A. Palanca ng bayan ng Coron bilang Bise Presidente; si John Silver D. Edonga ng Busuanga bilang Kalihim; si Arnel V. Ortega ng Aborlan bilang Ingat-Yaman; Carlito L. Baac ng Dumaran bilang Auditor; Jalil I. Insani ng Rizal bilang Project Relations Officer at si Henry U. Acosta ng Roxas bilang Business Manager.

Board of Directors (BOD) sina Ezekiel E. Rodriguez ng Brookes Point, Raymundo A. Gabarra, Jr. ng El Nido, Ma. Ana D. Mercado ng Busuanga, Elson T. Rayoso ng Quezon, Elvin G. Batiancila ng Araceli, Amelia G. Gimpaya ng Narra, Jerry F. Buncag ng Cagayancillo at Maurice Phillip Albayda ng Kalayaan.

Sa mga naunang panayam sa nasabing konsehal na ngayon ay miyembro na ng provincial board, sinabi nito na pagtutuunan niya ng pansin ang tungkol sa kalusugan at isports, partikular na ang paghain ng mga panukala na naka-tuon sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman ng mga kabataan hinggil sa HIV/AIDS kung saan ang mga kabataan ang vulnerable sector pagdating sa usaping ito. (OCJ/PIA MIMAROPA)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch