Binigyang pagkilala ni Mayor Vico Sotto ang 111 Pasig City Scholars na nagtapos ng may Latin Honors (Mga kuha mula sa Pasig LGU)
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Binigyan ng pagkilala at parangal ng Pamahalaang Lungsod Pasig ang mga Pasig City Scholars na nagkamit ng Latin Honors.
Nitong Lunes, Aug. 22, 2022, nasa 111 Pasig City Scholars ang binigyang pagkilala sa isang munting programa na ginanap sa Tanghalang Pasigueño.
Ginanap ang aimpleng programa para sa mga natatanging Pasig City Scholars na nagtapos ng kolehiyo para sa SY 2021-2022 na nakakuha ng Latin Honors.
Sa 111 scholars, 6 ang Summa Cum Laude, 24 ang Magna Cum Laude, at 81 naman ang Cum Laude.
Bukod sa certificates, nakatanggap ang scholars ng cash incentives: P30,000.00 para sa Summa Cum Laude; P25,000.00 para sa Magna Cum Laude; at P20,000 para sa Cum Laude.
Isa ito sa mga insentibo na pinamamahalaan ng Pasig City Scholarship Office, bukod sa allowance ng scholars at financial assistance para sa mga Pasigueñong kukuha ng licensure examination. (PIO Pasig/PIA-NCR)