
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sumailalim kamakailan ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Lungsod Marikina ng basic life support at first aid training upang mapalakas ang kanilang kakayahang makasagip ng buhay kapag may emergency.
Sa inisyatibo ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, pinangunahan ng Marikina City Rescue 161 at ng Office of Public Safety and Security ng lungsod ang pagbibigay ng naturang training sa mga mga kasapi ng TODA.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang layunin ng isinagawang basic life support at first aid training ay upang maging katuwang ang mga TODA member sa pagtugon sa anumang emergency sa daan. (Marikina City/PIA-NCR)