LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Nagsanib-pwersa noong Huwebes, Agosto 25, 2022, ang mahigit sa 100 na miyembro ng Maritime Security and Law Enforcement Command (MARSLEC), Philippine Army 1502nd Ready Reserve Infantry Brigade, PCG Auxiliary, at PG-Flex Eagles Club para magsagawa ng “tree growing’ activity.
Ayon sa paliwanag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Assistant Secretary Dr. Joan A. Lagunda, tinawag na ‘tree growing activity’ “dahil babalikan natin ang mga punong itinanim para malaman kung nag-survive ba, papalitan natin ang mga hindi yumabong to make sure that we grow a tree one hundred percent."
Ikinatuwa naman ni CG RAdm Ronnie Gil L Gavan ang inisyatibong ito ng grupo, na nakapagtanim ng may1,000 puno ng bignay, molave, at narra sa La Mesa Eco Park, Quezon City.
“Ito'y makakatulong sa pagpigil sa pag-init ng mundo, masigurong magpapatuloy ang supply ng inuming tubig at irigasyon sa mga sakahan, at higit sa lahat, ito ay nagpapaalala sa atin na tayong lahat ay may pananagutan at may magagawa para sa kapakanan ng lahat
Lubos ding nagpapasalamat ang MARSLEC sa lahat ng organisasyon na nakilahok para maging matagumpay ang programang. (PCG MARSLEC/PIA-NCR)