No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2022, nakamit ng Taguig lgu

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang prestihiyosong Dangal ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2022 na iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa mahusay na paglilingkod gamit ang Wikang Filipino.

Iginawad ang pinakamataas na karangalang ito na katumbas ng Hall of Fame bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa Miyerkules, Agosto 31, 2022.

Ang prestihiyosong parangal ay tinanggap ni Chief Executive Legal Office Head at Lupon ng Wikang Filipino Chairman Atty. Jun Fallar, Lupon ng Wikang Filipino Member G. Henry Vega, at Atty. Alen Fred Hilario.

Kinilala bilang Kampeon ng Wika si Punong Lungsod Lani Cayetano noong 2015.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig naman ay consistent awardee ng Selyo ng Kahusayan mula 2017 hanggang 2021 kung saan dalawang beses itong nakapagkamit ng ikaapat na antas.

Partikular na kinilala ng KWF ang Pamahalaang Lungsod sa patuloy na pagsasakatuparan nito ng mga layunin na makapagbuo ng sariling lupon sa Wikang Filipino sa 25 na barangay, makapaglathala ng journal tungkol sa lokal na kasaysayan at pangalan ng Lungsod, at makapagpatupad ng mekanismong tanggapan hinggil sa pagsasalin sa Filipino ng mga korespondensyang opisyal sa pangunguna ng Lupon sa Wikang Filipino. (Taguig PIO/PIA-NCR)


About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch