No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Anong gagawin kung nabiktima ng SSS online scam

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ikaw ba ay nabiktima ng scammers o fixers sa inyong online transaksyon sa Social Security System (SSS)?

Kung kayo'y nabiktima, payo ng SSS  i-report agad ito sa kanilang  Special Investigation Department.

Ayon sa Department of Finance (DOF), sa pamamagitan ng SSS Special Investigation Department, makakatutulong din ang publiko, di lamang sapaglutas ng kanilang naranasang scam kundi makatutulongt din ang mga ito sa mga law enforcement agencies na makilala ang fixers o scammers at makapagsampa ng kaso laban sa mga ito.

Maaaring magsampa ng reklamo sa pamamagitan ng email sa fid@sss.gov.ph o tumawag sa telepono (02) 8924-7370.

Gayundin, maaaring makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Cybercrime Group.

Para sa karagdagang impormasyon, i-contact ang SSS sa mga sumusunod: Facebook page: https://www.facebook.com/SSSPh; SSS Hotline: 1455l o sa Toll-Free Number: 1-800-10-2255777. (DOF/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch