No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Produksyon ng isda sa 1Q ng taon lumago ng 2.92%, ayon sa BFAR

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Tumaas ng 2.92%, o 62,017 metriko tonelada ang kabuuang volume ng produksyon ng pangisdaan sa unang bahagi ng 2022 kumpara sa dami ng produksyon noong nakaraang taon sa parehong panahon na 2,123,058 metriko tonelada.

Ito ay batay sa datos ng Philippine Statistics Authority na ipinakita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa National Banner Program Committee on Fisheries and Aquaculture noong 17 Agosto 2022.

Inilahad ito ng BFAR, kasama ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), sa Fiscal Year 2022 Physical Accomplishment and Financial Performance ng unang semestre sa committee meeting.

Noong 31 Hulyo 2022, nag-obliga ang BFAR ng 62.09% o Php 3 bilyon mula sa Php 4.8-bilyong taunang alokasyon nito para sa Fisheries Development Program ng Bureau, Fisheries Regulatory at Law Enforcement Program, Fisheries Extension Program, at Fisheries Policy Program.

Samantala, obligado na ng PFDA ang Php 4.3 bilyon o 100% ng taunang alokasyon nito para sa Fisheries Infrastructure Development Program noong 30 Hunyo 2022. Saklaw ng Programa ang rehabilitasyon, pagpapabuti, at pag-upgrade ng mga daungan ng isda; pagpapalawak at rehabilitasyon ng General Santos Fish Port Complex; pagtatayo ng cold storage facility sa Laoag City, Ilocos Norte; at pagtatayo ng fish port sa Lungsod ng Taguig.

Iniulat din ng NFRDI na mahigit Php 244.7 milyon o 69.87% ang obligado mula sa Php 350.2 milyong taunang alokasyon nito para sa aquafeed project, training and education services, technology business incubation program, research for development management services, at institutional development. (DA-PCAF/PAI-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch