LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Abot sa apatnapung magsasaka mula sa mga bayan ng Barira at Matanog sa Maguindanao ang sumailalim kamakailan sa pagsasanay sa vegetable production sa ilalim ng programang Gender and Development ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MAFAR-BARMM).
Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa pagtatanim ng kalabasa kung saan ibinahagi ng mga resource speaker mula sa MAFAR ang iba’t-ibang pamamaraan at estratehiya ng vegetable production at kung paano panatilihin at protektahan ang mga ito laban sa mga sakit na dulot ng insecticides.
Isinagawa rin sa pagsasanay ang actual demonstrations sa site at kung paano gamitin ang mga vegetable equipment.
Pagkatapos ng pagsasanay ay nakatanggap din ng vegetable seeds at mga kagamitan sa pagtatanim ang mga partisipante.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa MAFAR para sa pagbibigay ng kaalaman na makatutulong sa kanila upang mapalaki ang kanilang gulayan, at sa ipinamahaging kagamitan na makapagpapagaan sa kanilang mga gawaing pang agrikultura. (With reports from BIO-BARMM).