No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mandaluyong City, nakiisa sa 'PinasLakas' campaign

Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr. pinangunahan ang pagbibigay suporta sa 'PinasLakas' campaign ng DOH kontra COVID-19. (Mga kuha mula sa Mandaluyong City)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa ‘PinasLakas’ Campaign ng Department of Health (DOH).

Kamakailan, pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr., kasama ang DOH sa pagbabakuna sa mga kawani ng Business Process Outsourcing (BPO) companies.

Magkatuwang na isinagawa ng DOH at Mandaluyong City Health Office ngayong araw ang Jabs on Jobsite sa Rockwell Business Center Sheridan.

Kasama din sa kampanyang ito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Hinihikayat din ng pamahalaang lungsod ang iba pang mga kumpanya na makiisa at tulungan ang kanilang mga kawani na magpabakuna at magpa-booster laban sa COVID-19. (Mandaluyong City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch