No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Investors sa Singapore, hinimok na mamuhunan sa Pilipinas

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga investors ang magandang regulatory environment sa bansa sa isinagawang Philippine Economic Briefing (PEB) na pinangunahan ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Singapore noong Setyembre 7.

“Nandito kami para humingi ng tulong sa aming mga ka-partner na mag-invest sa Pilipinas sa pamamagitan ng public-private partnerships. Bukas ang Pilipinas at kailangan namin ang inyong tulong. Sa bahagi namin, ibibigay ng administrasyon ang kinakailangang regulatory environment sa lahat ng gustong mamuhunan sa bansa,” ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman sa panel discussion sa Economic Performance and Outlook.

Ang Vice Chairperson ng SM Investments Corp na si Teresita Sy-Coson, na kumakatawan sa panel ng pribadong sektor, ay nagpahayag din kung paano nasabing magandang lugar para sa mamumuhunan ang Pilipinas: “Maraming bagay ang maaaring gawin sa Pilipinas at sa ating hanay, kasama ang pribadong sektor, aming iniimbitahan ang maraming tao na magtungo sa Pilipinas dahil maraming bagay na maaari nating gawin nang magkakasama.”

Sa layuning ipakita ang matatag na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at i-highlight ang mga pangunahing lugar at oportunidad para sa mga nais mamuhunan, tinalakay ng Economic Team na binubuo ng DOF, BSP, DBM, at NEDA, ang mga pananaw sa paglago at mga reporma.

Samantala, nagbigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng paunang talumpati sa programa at nag-imbita ng mga mamumuhunan mula sa internasyonal na komunidad na makibahagi sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

"Tinatanggap ng Pilipinas ang inyong mga pamumuhunan at umaasa na magkaroon ng mas matibay na ugnayan mula sa komunidad ng negosyo sa Singapore," sabi ng Chief Executive. (PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch