No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Agrarian reform communities, sasanayin sa makabagong paraan ng pagsasaka

(File)


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sasanayin sa makabagong paraan ng pagsasaka ang mga miyembro ng agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) upang mapalawak ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Kailan lamang, inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pakikipag tulungan sa Department of Agriculture ang programang magsasanay sa mga miyembro ng ARBO ng mga makabagong paraan ng pagsasaka.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, tinatayang mayroong 7,500 ARBOs sa buong bansa na maaaring gamitin ng pamahalaan para maisakatuparan ang pambansang programa para sa seguridad sa pagkain.

Binigyang-diin ni Estrella na mataas ang kanyang paggalang sa iba't ibang organisasyon ng mga magsasaka dahil matagal na nilang napatunayan ang pagiging maaasahan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga tao sa mga lugar na naging kritikal na apektado ng COVID-19 pandemic.

"Bilang isang dating kinatawan ng Abono Partylist, alam ko ito dahil nakipagtulungan kami sa kanila upang matiyak ang patuloy na suplay ng pagkain para sa mga tao nuong halos tumigil ang mga operasyon ng industriya ng paggawa ng pagkain sa panahon ng pandemya," ani Estrella.

Sinabi din ni Estrella na ang pagsasanay ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Kaugnay nito, pinakilos ni DAR Undersecretary for Support Services Atty. Milagros Isabel Cristobal, sa pakikipagtulungan sa Agriculture Training Institute (ATI) ng Department of Agriculture (DA), ang iba’t ibang mga ARBOs sa buong bansa upang magtatag ng mga demonstration farm sa ilalim ng proyektong Farm Business School (FBS).

Ang mga kalahok sa gawaing ay inatasang suriin ang kahandaan ng mga ARBO na harapin ang hamon ni Pangulong Marcos Jr., na itaas ang produktibidad ng pagkain.

Sinabi ni Cristobal na ang FBS ay isang matagal nang proyekto ng DAR kung saan ang mga interesadong kasapi ng ARBOs ay tinuturuan ng mga bagong pamamaraan sa pagsasaka upang matulungan silang makagawa ng higit pat at makapagbigay ng mga de-kalidad na pananim.

Dagdag ni Cristobal na ang mga demonstration farms ay magsisilbing model farms kung saan maaaring bumisita ang mga interesadong miyembro ng ARBO upang matutunan ang ilang pamamaraan sa pagsasaka na maaari nilang isagawa sa kani-kanilang mga lugar.

Layunin nito na alamin ang teknikal na kakayahan at kahandaan ng ating mga ARBOs na magtayo ng mga demonstration farm na maaaring pagkunan ng bagong kaalaman ng mga hindi pa bihasang mga ARBOs,” paliwanag ni Cristobal.

Nais nating kumbinsihin ang kahit isang ARBO sa bawat rehiyon sa buong bansa na tanggapin ang hamon, bilang bahagi ng ating programang pang-seguridad sa pagkain, at maging isa sa mga pinakaunang susubok sa gawaing ito,” dagdag pa ni Cristobal. (DAR/PIA-NCR)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch