No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Produksyon ng engineered bamboo furniture isinusulong sa Cotabato

PRESIDENT ROXAS, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Cotabato ang produksyon ng engineered bamboo furniture matapos inilunsad kamakailan ang kauna-uanahang bamboo hub center sa probinsya na matatagpuan dito sa bayan.

Ang pagpapalakas sa produksyon ng engineered bamboo furniture ay hindi lamang nakikitang magreresulta sa pagsusulong ng socio-economic development kundi maging sa pagbabawas ng epekto ng climate change.

Upang mapagtagumpayan ang layuning maisulong ang engineered bamboo furniture production, nangako ang Department of Science and Technology ng suporta sa engineered bamboo hub center.

Ayon kay Michael Mayo, provincial director ng DOST, maliban sa fundamental technologies sa paggawa ng furniture, magbibigay ang DOST ng dagdag na tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitan, technology training, at consultancy services.

Isinagawa rin kamakailan ang apat na araw na pagsasanay sa engineered bamboo production na nilahukan ng mga kasapi ng Green Workers Corporation. Naturuan ang mga partisipante ng mga tamang pamamaraan pagdating sa bamboo treatment, drying, quality sanding, binding, at polishing ng raw materials.

Kabilang naman sa naging output ng pagsasanay ang mga kagamitang gawa sa kawayan tulad ng mga upuan, mesa, bag, basket, at iba pa.

Inaasahang ang pagpapalakas ng produksyon ng engineered bamboo furniture ay makatutulong sa mga magsasaka ng kawayan at makapagbibigay trabaho sa mamamayan ng komunidad.

Katuwang ng DOST at GWC sa adhikaing ito ang iba’t ibang opisina ng pamahalaan katulad ng DTI, TESDA, MinDA, DA, DENR, at iba pang stakeholders. (With reports from provincial offices of DTI and DOST)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch