No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng bigas kapalit ng basurang plastik sa Muntinlupa

QUEZON CITY, (PIA) -- Sinimulan sa mga Barangay Sucat at Bayanan ang proyektong "Basura, Kapalit ng Bigas" ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa nitong Huwebes, ika-22 ng Setyembre 2022. 

Sa pangunguna ng Environmental Sanitation Center (ESC), katuwang ang Muntinlupa Gender and Development (GAD) Office, at iba’t ibang barangay sa lungsod, may kabuuang 138 kilograms ng residual waste ang nakolekta ng ESC sa Sucat gaya ng candy wrappers, sachet ng tinging bilihin tulad ng shampoo, conditioner, dishwashing liquid, fabric conditioner, biskwit, kape, gatas, sitsirya, mga plastic packaging mula sa online shops, at iba pang mga supot na plastic.

Isang kilong bigas ang makukuha sa kada dalawang kilong plastic na makokolekta. Ayon sa pinuno ng ESC na si Ms. Lorna Misa, dadalhin ang mga naipong plastic sa The Plaf, isang non-government organization na miyembro ng Muntinlupa Solid Waste Management Board. Ang The Plastic Flamingo ay isang plastic recycler na gumagawa ng mga eco-product mula sa basurang plastic na ginagamit sa konstruksiyon, disenyo, mga kagamitan, at iba pa.

Ayon sa Muntinlupa Public Information Office, ang proyektong ito ay gagawin kada buwan sa pakikipagtulungan sa iba pang barangay.

Pinasalamatan sina Barangay Chairperson Rafael Sevilla ng Sucat at Barangay Chairperson Adorado San Pedro ng Bayanan. Lumahok din sa pagsasagawa ng proyekto ang pinuno ng GAD Office na si Mr. Reggie Salonga.

Naniniwala si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na sa ganitong uri ng mga proyekto ay mahihikayat ang mga Muntinlupeño sa pagre-recycle at gawing kapaki-pakinabang ang mga residual wastes tulad ng plastic. (PIA-NCR)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch