LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Maaari nang mag-request ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operators ng bagong Fare Matrix/Guide kaugnay ng pagpapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fare increase sa mga pampublikong sasakyan na epektibo na sa Oktubre 3, 2022.
Nauna nang inanunsyo ng LTFRB ang pagtaas ng pamasahe sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), Modern PUJ (MPUJ), Public Utility Bus (PUB), Transport Network Vehicle Service (TNVS), at Taxi noong Setyembre 16, 2022. Kasama sa kundisyon ng pagpapatupad ng taas-pasahe ang pagpaskil ng updated Fare Matrix/Guide sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Upang makuha ang updated Fare Matrix/Guide, kailangang isumite ng mga PUV operators ang mga sumusunod:
1.) Latest Land Transportation Office (LTO) OR/CR
2.) Franchise Verification
3.) Kopya ng Provisional Authority (para sa mga hindi pa nabibigyan ng desisyon ukol sa kanilang Certificate of Public Convenience)
4.) Official Receipt of Payment
Sundin ang mga sumusunod na proseso sa pagkuha ng updated Fare Matrix/Guide:
1.) Pumunta sa Window 13 o 14 upang ipa-assess ang babayaran para sa Fare Matrix/Guide