Ang antas ng paghahanda ay depende sa kung gaano kalapit ang isang LGU sa daanan ng bagyo, mahahati ito sa mga alert level: Alpha (dilaw ang kulay kung saan ang lakas ng hangin na mararanasan ay hanggang 45 kilometro bawat oras; Bravo (kahel o orange ang kulay, makararanas ng hanggang 65 kilometro bawat oras na paghangin); at Charlie (pinakamataas na antas, pinakamalapit o daraanan ng bagyo, kulay pula at makararanas ng hanggang 90 kilometro kada oras na paghangin).
Kapag nasa Alert Level Charlie at Bravo, posibleng mangyari ang pagkasira ng mga palayan, pagtumba ng mga puno gaya ng saging, pagkasira ng mga kabahayan na gawa sa mga magagaang materyales, pagbaha sa mga kalsada, pagbagsak ng mga poste ng kuryente at mga landslide
Hindi kasing grabe ang posibleng mangyari sa mga LGU na nasa Alert Level Alpha subalit kailangang ipatupad ng mga ehekutibo ang mga batayang aksyon upang matiyak na walang buhay na mawawala o ari-ariang masisira.
Sa ulat ng DOST Pagasa nitong ika-5 pm ng Sabado, sinabi ni Weather Specialist Raymund Ordinario na lalakas pa ang Bagyong Karding bago pa man ito tumama sa dako ng Silangan ng Gitnang Luzon o kaya sa Hilagang Katimugan sa Linggo ng hapon.
Gayumpaman, hindi pa man nakararating ito ng lupa ay magpapairal na ito ng malakas na paghangin at pag-ulan sa dako ng Cagayan, Aurora at Isabela ngayong gabi.
Bukod sa Habagat, nagdadala din ng ulan ang buntot (trough) ng Bagyong Karding sa Katimugang Luzon at ilang bahagi ng Kabisayaan.
Mula Aurora, tinatayang daraanan ng bagyo ang Nueva Ecija hanggang sa makalabas ng kalupaan sa Hilagang Zambales Lunes ng gabi.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ay ang mga sumusunod batay sa Tropical Cyclone Bulletin No. 11:
TCWS No. 3:
Camarines Norte (Vinzons) at ang silangang bahagi ng Polillo Islands kabilang ang mga isla ng Kalongkooan, Kalotkot, Patnanungan, at Jomalig).
TCWS No. 2
Ang mga ito ay ang timog-silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, Jones, San Agustin, Echague, San Guillermo at San Mariano), ang timog-silangang bahagi ng Quirino (Nagtipunan at Maddela), ang gitna at timog silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Bambang, Dupax del Norte, Kasibu, Quezon, Bayombong at Diadi), Aurora, Nueva Ecija, ang silangan bahagi ng Tarlac (Concepcion, La Paz, Victoria, Pura, Ramos, Anao, San Manuel, Moncada, Paniqui, Gerona at Tarlac City), Bulacan, ang silangang bahagi ng Pampanga (Apalit, San Simon, San Luis, Candaba, Santa Ana, Arayat at Magalang), Metro Manila, ang hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez at Pitogo) kabilang ang nalalabing isla ng Polilio, ang hilaga’t gitnang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Siniloan, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Santa Cruz, Pagsanjan, Magdalena, Luisiana, Majayjay, Liliw, Pila, Victoria, Nagcarlan, Bay, Los Baños, Calamba City , Santa Rosa City, Biñan City, San Pedro City, Cabuyao City, Rizal at Calauan), hilaga’t silangang bahagiCavite (Bacoor City, Kawit, Imus City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez at Cavite City), Rizal, ang silangang bahagi ng Pangasinan (Umingan, Bautista, Alcala, Rosales, Balungao, Santa Maria, San Quintin, Natividad, Tayug, Asingan, San Nicolas, San Manuel, Santo Tomas, Bayambang, Malasiqui, Villasis, Urdaneta City, Binalonan, Laoac, Sison, at Pozorrubio), ang hilagang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Siruma, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Tinambac, Presentacion, San Jose, Goa, Cabusao, Libmanan, Calabanga, Bombon at Magarao), ang hilaga’t gitnang bahagi ng Catanduanes (Caramoran, Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, San Miguel, Baras, Gigmoto at San Andres), at ang nalalabing bahagi ng Camarines Norte.
TCWS No. 1
Ang katimugang bahagi ng Cagayan Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung at Rizal), ang nalalabing bahagi ng Isabela, ang nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, ang katimugan bahagi ng Apayao (Conner), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, ang katimugan bahagi ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay at Marcos), Ilocos Sur, La Union, ang nalalabing bahagi ng Pangasinan, ang mga nalalabing bahagi ng Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Laguna, Quezon, Cavite, Batangas, Camarines Sur at Catanduanes,
Kasama rin sa TCWS No. 1 ang Albay, Marinduque, hilagang kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro (Lubang Islands, Paluan at Abra de Ilog), at ang hilagang kanlurang bahagi ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, City of Calapan at Baco)
Wala nang barko o bangka ang napapayagang pumalaot sa mga lugar na mayroon nang TCWS o babala ng bagyo.
Sinabi ni Ordinario na maaring madagdagan pa ang mga lugar na mapapailalim sa TCWS sa patuloy na paglakas at paglapit sa kalupaan ng Bagyong Karding. (LP)