No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Patuloy na suporta ng komunidad, media ipinanawagan ng PRO-BARMM

BAYAN NG PARANG, Maguindanao (PIA)—Ipinanawagan ng pamunuan ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o PRO-BARMM ang patuloy na pagsuporta ng komunidad at media sa mga hakbang ng kapulisan kaugnay sa kaayusan at kapayapaan.

Sa programang PIA Talakayang Dose kamakailan, iginiit ni PBGen. John Guyguyon, acting regional director ng PRO-BARMM, na mahalaga na bawat isa ay may ginagampanang tungkulin pagdating sa kampanya sa pangmatagalang kapayapaan.

Aniya, gayong maraming nakalinyang aktibidad ang PNP dahil sa bagong pamahalaang itatatag sa Maguindanao at mga programang ipatutupad ng bagong Bangsamoro Transition Authority, kailangan ng PRO-BARMM na mas palakasin pa ang mga inisyatiba nito sa pagsisiguro sa seguridad ng bawat isa. Ito ay mapagtatagumpayan lamang sa tulong ng komunidad, maging ng media ayon pa kay Guyguyon.

Sa kabilang banda, sinabi ng opisyal na isa sa mga marching orders sa kanila mula sa national headquarters ay ang pagkakaroon ng long term peace and order efforts katuwang ang iba pang law enforcement agency ng pamahalaan. Kaugnay nito, inilahad ni Guyguyon na nakatakdang baguhin o tanggalin ang mga programa ng PNP na hindi na nakatutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Siniguro naman ng opisyal na sa tulong ng bawat isa, matatamasa ng susunod na henerasyon ang kapayapaan at kaayusan na magreresulta sa pangmatagalang progreso sa rehiyon ng Bangsamoro. (SJD/PIA-XII)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch