
LUNGSOD CALOOCAN, (PIA)--May nakatakda ka bang transaksyon sa LTO? Ito na ang iyong pagkakataon para sa mabilis, magingawa at kumbinyenten na proseso!
Upang mailapit ang serbisyo ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko at mahikayat sila na tumangkilik sa tama at lehitimong proseso, muling aarangkada ang LTO ON WHEELS simula ngayon araw.
Ito’y handa nang magserbisyo at na naka-puwesto sa Kampo Karingal, Quezon City, ngayong Huwebes, Setyembre 29, 2022, simula 8AM.
Narito ang ilan sa mga transaksyong handog ng LTO On Wheels:
- Issuance ng Student Permit
- Renewal ng Driver's License (non-professional at professional)
- Renewal ng rehistro ng sasakyan
Dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento sa inyong transaksyo, upang maiwasan ang pagka-antala ng pag-proseso nito.
Maaari ring bisitahin ang official website ng LTO: lto.gov.ph o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page, para sa katanungan tungkol sa mga kinakailangan sa partikular na transaksyon. (LTO/PIA-NCR)