
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagbigay abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay na umabot na ang mga sumusunod na wards ng Pasay City General Hospital sa full capacity ngayong araw, Oktubre 5:
- Medical at COVID ICU
- Regular Medical Ward
- Medical Isolation
- COVID Transition Ward
Samantala, 19 naman ang nasa waiting list naman para sa ER admission.
Payo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa mga nangangailangan ng atensyong medikal na dalhin sila sa pinakamalapit na Healthcare Facilities para sa dagliang pagtugon sa pangangailang nito. (Pasay City/PIA-NCR)
#ExplainExplainExplain