No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PhilHealth, namahagi ng libreng membership card sa Marikina 4Ps

Mga kuha mula sa Marikina PIO

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Namahagi ng libreng membership card kamakailan ang PhilHealth sa mga taga-Marikina na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasabay nito, tinanggap ni Marikina City Mayor Marcy R. Teodoro ang PhilHealth accreditation para sa walong (8) health centers ng lungsod na pumasa sa panuntunan bilang primary health clinic na mas kilala bilang "Konsulta" Accreditation.

Ayon sa pamahalaang lungsod, iginawad din ang "License to Operate" para sa 15 health centers ng Marikina matapos na pumasa ang mga ito sa mga panuntunang itinakda ng Department of Health.

Mahalaga ang pagpasa sa mga panuntunan tulad ng sapat na bilang ng manggagamot, pasilidad, kagamitan, akmang protocol, polisiya at iba pa para sa pagpapabuti ng kalusugan at pagsasakatuparan ng Universal Health Care para sa mga taga-Marikina.

Sa kasalukuyan, ang Marikina ang kauna-unahang lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming DOH-Licensed to Operate Health Centers.

Kasama rin sa naturang aktibidad sina Marikina Representative Maan Teodoro at Vice Mayor Marion Andres at mga opisyales ng PhilHealth. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch