No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Senator Go hinikayat ang kabataan na tangkilikin ang isports at umiwas sa iligal na droga

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Hinikayat ni Senator Christopher Lawrence "Bong" Go ang kabataan sa bayan ng Makilala sa North Cotabato na tangkilikin ang isports at umiwas sa iligal na droga. Ito ay matapos imbitahan si Go bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa 68th Founding Anniversary Celebration at Sinabbadan Festival ng nasabing bayan.

“Stay away from drugs, get into sports ang aking adbokasiya sa ngayon. Tuwing nagsasagawa ang aming tanggapan ng pamamahagi ng ayuda ay namimigay po ako ng bola para i-engganyo po sila na lumayo po sa iligal na droga. Sports tayo, get into sports, get away from drugs,” binigyang-diin ni Go

Iginiit ni Go na isa sa adbokasiya ng kanyang tanggapan ang hikayatin ang kabataan na tangkilikin pa ang isports na isa aniya sa mga paraan upang malayo sila sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Go, ang nasabing adbokasiya ay mas mapatitibay pa sa pamamagitan ng kanyang iminungkahing senate bill no. 423 o ang Philippine National Games Act na magsisilbing premiere national sports competition ng gobyerno na gaganapin isang beses sa loob ng dalawang taon.

Samantala, isa rin sa mga ginagawang hakbang ng tanggapan ni Go upang mas ma-engganyo ang kabataan na tangkilikin ang isports ay ang pamamahagi ng bola sa tuwing nagsasagawa ng pamamahagi ng ayuda ang kanilang tanggapan.

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch