No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasig City, Seaoil PH lumagda ng MOA para sa ‘Angat Pangarap’ project

Mga larawan mula sa Pasig City.

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Lumagda ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Seaoil Philippines, Inc. ng isang memorandum of agreement (MOA) ukol sa ‘Angat Pangarap’ project para sa mga mag-aaral ng Pamantasang Lungsod ng Pasig (PLP).

Dinaluhan ang MOA Signing Ceremony nina Seaoil Philippines, Inc. President for Retail Business and the Chief Finance Officer Mr. Mark Anthony Yu, Pasig City Mayor Vico Sotto, 11th Pasig City Council, PLP OIC Dr. Reggie Maningas, PLP Board of Regent and Anthropologist Mr. Nestor Castro, at PLP students.

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng temang ‘Angat Pangarap: Fueling PLPasig Community to Think Big and Dream Big,’ magbibigay ng PHP 1,000,000.00 na incentive sa sinumang estudyante ng Pamantasang Lungsod ng Pasig na makaka-top sa board examination.

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa pamamagitan nito ay mae-engganyo na magsumikap ang mga estudyante at buong PLP community na mas pag-igihan pa ang pag-aaral at paghahanda para sa board examinations. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch