No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PRO-BARMM nakatanggap ng limang bagong patrol cars

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Nakatanggap kamakailan ang Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ng limang bagong patrol car na may kabuuang halaga na P12.5 milyon mula sa pamahalaan ng BARMM upang mas mapalakas pa ang law enforcement operations sa buong rehiyon.

Ang mga sasakyan ay nabili ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) na bahagi ng logistical assistance ng pamahalaan ng BARMM sa PRO-BARMM.

Base sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan nina MILG minister Atty. Naguib Sinarimbo at PRO-BARMM Director Brig. Gen. John Guyguyon, tatlo sa mga patrol car ay pupunta sa PRO-BARMM, at tig-iisa para sa 1404th Regional Mobile Force Company ng pulisya at Cotabato City Police Office.

Nakasaad din sa MOA na ang patrol cars ay kinakailangang gamitin ng PRO-BARMM sa kanilang mga operasyon sa law enforcement operations, na naaayon sa tungkulin ng MILG na ipatupad ang mga plano, programa, at proyekto upang itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Samantala, ang MILG ay nagtayo rin ng ilang municipal police station buildings sa rehiyon, habang pinopondohan ang bagong administration building sa loob ng PRO-BARMM headquarters sa Camp S.K, Pendatun, Parang, Maguindanao. (With reports from BIO-BARMM). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch