No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Anim na bagong barangay health stations, binuksan sa Maguindanao at SGA

LUNGSO NG COTABATO (PIA) -- Mapakikinabangan na ng mga residente mula sa probinsya ng Maguindanao at Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang anim na bagong barangay health stations na itinurnover kamakailan ng pamahalaan ng BARMM sa pamamagitan ng Ministry of Health (MOH).

Kabilang sa mga barangay na makikinabang sa nasabing health stations ay ang Making, Campo Islam, at Magsaysay sa bayan ng Parang sa Maguindanao, Barangay Central Labas sa Midsayap, Barangay Binasing sa Pigcawayan, at Barangay Langogan sa Carmen sa SGA.

Bawat barangay health station ay nagkakahalaga ng P2.5 milyon. Apat sa health stations ay pinondohan ng Bangsamoro Kalusugan Project (TBKP) sa ilalim ng 2021 General Appropriation Act ng BARMM, habang ang natitirang dalawang health stations naman ay pinondohan sa ilalim ng MOH 2020 Special Development Fund.

Ayon kay MOH director for operations Dr. Tato Usman, ang ministry ay maghi-hire ng permanenteng kawani sa BHS upang magbigay ng serbisyo. Dagdag pa ni Usman, ang paglalagay aniya ng mga health facility sa buong rehiyon ng Bangsamoro ay kabilang sa mga pangunahing priyoridad ng ministry.

Samantala, nakatakda ring iturnover ng MOH ang kaparehong station sa mga barangay sa lungsod ng Marawi at Lanao del Sur bago matapos ang taon. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch