No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Embahada ng Israel, nakiisa sa Brigada Eskwela sa Taguig City

(PIA photo)

(Kuha mula sa Israel in the PH FB page)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Sa pangunguna ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, nakiisa ang Embahada ng Israel sa Brigada Eskwela volunteer activity, na ginanap sa Bagong Tanyag Integrated School (BTIS), sa Lungsod ng Taguig.

Binuo at pinintahan mismo ng mga kawani ng embahada ang mahigit 120 learners’ tables na nakalaan para sa limang (5) klase ng kindergarten sa BTIS.

Bukod pa rito, namahagi rin ng labinlimang (15) tablets ang embahada na magagamit ng bawat grade level sa paaralan at ilang mga kahon ng herbal supplements para sa mga guro.

Malugod naman itong tinanggap ng paaralan sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at Deped Schools Division Assistant Superintendent Dr. Quinn Norman Areza.

Sa kanyang naging talumpati, binigyang-diin ni Ambassador Fluss ang magandang relasyon ng bansang Israel at Pilipinas. Aniya ang Embahada ng Israel ay handang tumulong sa krisis na dala ng pandemya sa bansa, at sinabing ang edukasyon ang pinakamahalaga sa panahong ito.

As a foreign embassy in the Philippines, as an Ambassador, I think I should take part in the process of moving out of the pandemic, of the socio-economic crisis, and I believe that the best way to connect is through supporting education (Bilang isang foreign embassy sa Pilipinas, bilang isang Ambassador, naniniwala akong dapat kaming maging bahagi ng proseso sa unti-unting pagbangon ng bansa mula sa pandemya, at ang pinakamagandang paraan ay sa pamamagitan ng pagsuporta sa edukasyon),” sinabi niya.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Cayetano, at sinabing ang proyektong ito ay magsisilbing inspirasyon, hindi lamang sa mga estudyante, kundi pati na rin sa mga guro at magulang.

This project will surely bring inspiration, not just to the students, but also to the parents present here today, and also to our educators (Siguradong ang proyektong ito ay maghahatid ng inspirasyon, hindi lamang sa mga estudyante, kung hindi pati na rin sa smga magulang na narito ngayon, at maging ang mga guro),” aniya.

Sa pakikipagtulungan sa Mashav, isang ahensya sa Israel na nakatutok sa International Development Cooperation, ang proyektong ito ay bilang suporta ng embahada sa ganap na pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa sa Nobyembre. (PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch