No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Atas ni PBBM sa DPWH: Paspasan ang clearing ops sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng

upang makapaghatid agad ng karagdagang tulong ang pamahalaan

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

LUNGSOD CALOOCAN (PIA) --Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works & Highways (DPWH) na paspasan ang clearing operations sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Paeng.

Sa pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pinagunahan mismo nang Pangulong Marcos ngayon Sabado ng hapon, iniatas nito na madaliin ang paglilinis at pagsasaayos ng mga kalsadang hindi pa madaanan, nang makapasok ang relief at rescue missions. 

Partikular na binanggit nang Pangulo ang agarang pagkumpuni sa mga nasirang tulay at kalsada sa Maguindanao.

Sa ulat ng DPWH, umabot na sa apat (4) na national road at tatlong (3) tulay ang nasira dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa Pangulo, mahalagang maiparating agad ang tulong sa mga ngangailangan nito.

“Don’t wait for me, if possible nang makapasok yung ating mga assets, para mabilis ang ating disaster response,” wika nang Pangulo.

Iniutos din ng Pangulo ang agarang pagpapadala ng tubig maiinom sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) gayundin ng water purifying systems, bilang tugon sa kahilingan batay na rin sa kahilingan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.

Iniutos din ng Pangulo ang agarang pagpapanumbalik ng kuryente sa mga apektadong lugar sakaling ligtas nang ibalik ito.

Sa ulat naman ni Kalihim Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare & Development (DSWD), sinabi nito na Miyerkules pa lamang ay inabisuhan na ng kagawaran ang lahat ng regional offices nito na ihanda ang mga relief packs at ponding kakailanganin sa mga masasalanta ng bagyong Paeng.

Sa ulat ng Kalihim, sinabi nito na may 1,150 pamilya ang nailikas at may P462,872 cash aid na ang naipamahagi sa mga apektadong lugar.

Mayroon ding P372.57 milyon Quick Response Fund ang DSWD Central Office at P72.72 milyon ang mga regional offices nito upang gamitin sa relief assistance ng mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Dagdag pa ng kalihim na may 74,315 Family Food Packs ang naka stand-by at 43, 486 nito ay nasa National Resource Operations Center sa Lungsod Pasay habang ang 30,829 ay nasa Visayas Disaster Resource Center sa Lungsod Mandaue.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos si Secretery Behnhur Abalos ng Department of the Interior & Local Government (DILG) na tulungan ang BARMM kung paaano at tamang pag gamit ng calamity fund nito,

Samantala, sa kabila ng mga paghahandang ginawa ng national at local governments, nais nang Pangulong malaman kung saan nagkulang ang pamahalaan at humantong sa maraming nasawi dulot ng bagyong Paeng.

Sa pagtatapos ng pulong sinabi ng Pangulo na patuloy siyang susubaybay sa sitwasyon.

“Let’s keep monitoring the situation,” saad ng Pangulo. (PIA-NCR)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch