LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inilunsad noong Lunes, Oktubre 24 ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC) at pakikipagtulungan ng Bangsamoro Development Agency (BDA) Inc., ang handbook at training manual para sa basic human rights.
Ang nasabing handbook ay naglalayong makapagbigay ng practical guidelines at technical information patungkol sa human rights education sa Civil Society Organizations (CSOs).
Kabilang ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ministry ng BARMM, CSOs, at religious sectors sa rehiyon ang nakibahagi upang buuin ang nasabing libro.
Binigyang-diin ni BHRC Commissioner Archie Buaya na ang proteksyon ng karapatang pantao ay ay responsibilidad ng lahat ng institusyon sa Bangsamoro.
Samantala, nakatakdang magpalabas ng 100 na kopya ng nasabing libro ang BDA na ipamamahagi sa mga CSO at iba pang partners sa rehiyon upang mas lalo pang maisulong ang mga pangunahing karapatang pantao. (With reports from Bangsamoro Government).